‘Argylle’ malaki ang ibinagsak pero nangunguna pa rin sa N. America box office
Nangunguna pa rin sa North American theaters ang wacky spy thriller ng Universal na “Argylle,” kahit na nasapawan ito ng Super Bowl pro football championship game.
Ang “Argylle” ay nakakuha lamang ng tinatayang $6.5 milyon para sa Friday-Sunday period, ayon sa industry watcher na Exhibitor Relations, ito ay sa kabila na ang cast ay kinabibilangan nina Dua Lipa, Henry Cavill, John Cena at Ariana DeBose, kasama sina Bryce Dallas Howard bilang isang spy novelist.
Kung pagbabatayn ang budget ng Apple co-production na $200 milyon, at ang matinding pagbaba nito mula sa $18 milyon sa opening weekend, idineklara ng Variety na ito “ang unang malaking bomba ng taon.”
Sinabi naman ni David Gross ng Franchise Entertainment Reserach na “mahina” ang opening ng “Lisa Frankenstein,” isang bagong release mula sa Focus Features, na kumita ng $3.8 million at nasa ikalawang puwesto.
Aniya, “Despite its elements of romance and horror and humor in a script from “Juno” screenwriter Diablo Cody, ‘it’s not connecting,’ but with a budget of just $13 million, “Lisa” should turn a profit.”
Namalagi naman sa ikatlong puwesto ang MGM action flick na “The Beekeeper,” na pinagbibidahan ni Jason Statham. Kumita ito ng $3.5 million.
Pang-apat ang “The Chosen: S4 EP 1-3,” ng Fathom Event, na kumita ng $3.2 million.
At nasa ika-lima naman ang fantasy musical ng Warner Bros. na “Wonka.” Kumita ito ng $3.1 million sa ika-limang linggo ng kaniyang pagpapalabas. Tampok dito sii Timothee Chalamet bilang si Willy Wonka, ang eccentric na chocolate maker.
Ayon sa analytics company na Comscore, ang kabuuang ticket sales para sa weekend ay halos umabot sa kaniyang ‘all-time low’ dahil sa Super Bowl weekend. Umabot lamang ito ng halos $42 million.
Narito naman ang kukumpleto sa top 10:
“Migration” ($3 million)
“Anyone But You” ($2.7 million)
“Mean Girls” ($1.9 million)
“Dune: Part One” (a re-issue) ($1.8 million)
“American Fiction” ($1.3 million)