Army sa UK, naka-standby na sanhi ng fuel crisis
Naka-standby na ang British army para tumulong sa nararanasan ngayon doon na fuel crisis, matapos magkaubusan ng gas bunsod na rin ng pagpa-panic buying ng mga tao sanhi ng pangamba sa kakulangan ng tanker driver.
Ayon sa pahayag ng Department for Business, Energy & Industrial Strategy . . . “Limited number of military tanker drivers to be put on a state of readiness and deployed if necessary to further stabilise fuel supply chain.”
Sinabi naman ni Business Secretary Kwasi Kwarteng . . . “While the fuel industry expects demand will return to its normal levels in the coming days, it’s right that we take this sensible, precautionary step.”
Ang military drivers ay bibigyan ng specialised training bago sila ideploy, sakaling hindi pa rin humupa ang krisis sa susunod na mga araw.
Dagdag pa ni Kwarteng . . . “If required, the deployment of military personnel will provide the supply chain with additional capacity as a temporary measure to help ease pressures caused by spikes in localised demand for fuel.”
Ayon sa pinakamalaking public sector union ng Britanya na Unison, dapat unahin ang “key workers” gaya ng mga doktor, nurses, teachers at police staff sa halip na paghintayin ng matagal sa mga pila.
Sinabi naman ni general secretary Christina McAnea . . . “The government could solve this problem now by using emergency powers to designate fuel stations for the sole use of key workers.”
Ayon sa Petrol Retailers Association, halos kalahati ng 8,000 fuel pumps ng UK ang naubusan ng laman nitong Linggo, na kanilang isinisisi sa panic-buying at wala nang iba pa.
Binatikos ng mga kritiko ang kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa kakulangan ng tanker drivers makaraang humiwalay ng Britanya mula sa European Union noong Enero at sa pandemya, na naging sanhi ng pag-alis ng mga dayuhang truckers.
Noong Sabado, inanunsiyo ng gobyerno na mag-iisyu ito ng hanggang 10,500 temporary work visas mula sa susunod na buwan hanggang sa December 24 sa tanker drivers at poultry workers, para mabawasan ang malubhang staff shortages.
Ang hakbang ay malugod namang tinanggap ng pinuno ng British Poultry Council na si Richard Griffiths.
Subalit ayon kay Griffiths . . . “It could be too little, too late to avert food shortages. Supply chains are not something that can be simply switched on and off, so plans for production are already well under way and the necessary cutbacks due to ongoing labour shortages have already been made.”
Bukod sa fuel deliveries, ang kakulangan sa tanker drivers ay naging sanhi rin ng “empty supermarket shelves,” kayat nangangamba ang publiko tungkol sa deliveries ng mga pagkain at laruan para sa holidays.
Hinimok naman ng gobyerno ang publiko na bumili ng gas gaya ng normal at huwag magpanic buying.