Arraignment ni Sen. de Lima na reset sa August 18

Hindi natuloy ang nakatakdang arraignment ni Senadora Leila de Lima sa Branch 205 ng Muntinlupa RTC sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Pinagbigyan ni Judge Amelia Fabros Corpuz ang hirit abogado ni de Lima na resolbahin muna ang inihaing motion to recall warrant at motion to defer arraignment.

Iginiit ni Atty. Alex Padilla isa sa mga abugado ni de Lima na hindi maaring i arraign si de Lima dahil maraming butas ang kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act  na ibinabato laban dito gaya ng  hindi pa naaresto ang principal accused na si Jad Dera.

Si Dera ay iniiugnay lang aniya kay de Lima na sinasabing nanghingi ng pera at sasakyan sa isa sa mga  high profile inmate sa NBP na si Peter Co para sa umano’y kandidatura ng Senadora noong 2016 elections.

Pero ayon kay Padilla, sa kanilang pag iimbestiga, si Dera ay agent ng PNP NCRPO Regional Anti Illegal Drug Office at hindi ito naging empleyado ni de Lima.

Nangyari rin aniya ang sinasabing pangingikil noong March 2016 kung kailan isa nang private individual si de Lima at wala nang kontrol o impluwensya sa DOJ o mga tanggapang nasa ilalim ng Justice Department.

Binigyan ng Korte ng tigsampung araw ang depensa at prosekusyon na magsumite ng paliwanag at itinakda ang arraignment sa August 18.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *