Arrest warrant laban kay Ken Chan bigong maisilbi ng mga pulis

Courtesy: Ken Chan IG

Sa ikalawang pagkakataon, bigo ang mga pulis na maisilbi ang Arrest warrant laban sa aktor na si Ken Chan sa bahay nito sa Quezon city.

Ito ay kaugnay sa kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kaniya ng isa umano niyang kliyente.

Maliban kay Chan, nahaharap rin sa kasong estafa ang iba pa nitong  kasamahan sa sinasabing maanomalyang negosyo.

Nitong Setyembre nang unang sinubukan ng mga pulis na isilbi ang Arrest warrant laban kay Chan sa bahay nito ngunit wala doon ang aktor.

Batay sa ulat, aabot sa 40 million pesos ang nautang umano ng grupo ni Chan sa isa nilang kliyente noon pang 2022.

Nang hindi na nabayaran ang pagkakautang ay nagpasya ang kliyente na maghain na ng kaso laban sa aktor noong nakalipas na taon.

Jim Tejano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *