Art collection ng pumanaw na co-founder ng Microsoft na si Paul Allen, naipagbili sa halagang $1.5 billion
Naipagbili sa halagang $1.5 billion ang private art collection ng pumanaw nang Microsoft co-founder na si Paul Allen.
Si Allen ay mayroong koleksiyon ng higit sa 150 piraso ng likhang sining na kumakatawan sa 500 taong art history. At muli iyong gumawa ng kasaysayan matapos na maging “largest single-owner collection” na naipagbili sa isang auction.
Ang piraso na nakakuha ng pinakamataas na winning bid ay ang pointillist work na “Les Poseuses, Ensemble (Petite version),” ni Georges Seurat na nilikha noon pang 1888. Naibenta ito nang higit sa $149 million.
Ang napagbentahan na umabot ng humigit kumulang $1.5 bilyon, ay kinabibilangan ng “La Montagne Sainte-Victoire” ng Pranses na pintor na si Paul Cezanne, na umabot ng $137.8 milyon, halos doble ng sarling auction record nito.
Isang gawa ng Dutch artist na si Vincent Van Gogh, ang “Orchard with Cypresses,” ang bumasag sa dating niyang record, matapos itong maibenta ng $117.2 milyon.
Ang painting mula saTahitian period ni Paul Gauguin na “Maternity II,” ay naipagbili naman ng $105.7 million.
Ang “Birch Forest” ng Austrian na pintor na si Gustav Klimt ay nabili ng $104.6 milyon.
Ang bilyong marka ay nalampasan ng lot number 32, isang Alberto Giacometti sculpture, ang “Woman of Venice III,” na naibenta sa halagang $25 milyon.
Ang auction ay ginanap sa Christie’s New York, kung saan tinaya nito na ang koleksiyon ay maibebenta ng isang bilyong dolyar sa kabuuan, ngunit sa unang araw pa lamang ng dalawang araw na auction ay nalampasan na ito. Ang mga napagbentahan naman sa auction ay ido-donate sa philanthropic causes na sinusuportahan ni Allen.
Si Allen ay yumaman nang maitatag ang PC operating system kasama ng Microsoft co-founder na si Bill Gates noong 1975.
Nakaipon siya ng napalaking koleksiyon ng sining, na ipinahiram niya sa mga museum bago siya namatay noong 2018 sa edad na 65.
Ayon sa Forbes, si Allen ay mayroong net worth na $20.3 billion nang siya ay mamatay.
Iniwan niya ang Microsoft noong 1983, dahil sa problema sa kalusugan at unti-unting nasisirang relasyon kay Gates, na nanatiling pinuno ng kompanya hanggang 2000.
Itinatag niya ang isang pop culture museum sa kaniyang hometown sa Seattle, at nagmay-ari ng ilang sports franchises, kabilang ang Seattle Seahawks.
Sa kabila ng hindi na magandang sitwasyon ng kanilang pagkakaibigan, ay lumagda pa rin si Allen signed sa “Giving Pledge” campaign ni Gates, at lahat ng mapagbebentahan sa auction ay ido-donate sa charitable causes.
Ang auction ay isang testamento sa kalidad ng koleksyon ni Allen, na kinabibilangan ng magkakaibang hanay ng mga gawa mula sa German-American na pintor-sculptor na si Max Ernst, na ang iskultura na “The King Playing with the Queen” ay naibenta sa halagang $24.3 milyon, hanggang sa American na si Jasper Johns, isa sa ilang nabubuhay na artist na itinampok sa koleksiyon, na ang lithograph na “Small False Start” ay naibenta sa halagang $55.35 milyon.
© Agence France-Presse