Artworks na ninakaw ng Nazis isasauli ng US authorities
Inanunsiyo ng US authorities na dalawang drawings na nagkakahalaga ng $2.5 million na ninakaw ng Nazi regime at kalaunan ay idinisplay sa American museums, ang ibabalik na sa mga kaanak ni Fritz Grunbaum, isang Austrian Jewish cabaret performer na namatay sa Holocaust.
Kasunod ito ng pagsasauli noong isang taon sa pitong likhang sining na ninakaw mula kay Grunbaum noong 1938, at ipinagbili ng Nazis upang pondohan ang kanilang war machine.
Ang “Girl with Black Hair” na nasa pag-iingat ng Allen Museum of Art sa Oberlin College ay nagkakahalaga ng tinatayang $1.5 million, habang ang “Portrait of a Man” na nasa Carnegie Museum of Art collection ay nagkakahalaga naman ng tinatayang $1 million.
Ang mga nabanggit ay kapwa likha ni Egon Schiele, na isang Austrian expressionist artist.
Sinabi ni Timothy Reif, isang hukom at kamag-anak ni Grunbaum na namatay sa Dachau concentration camp, “This is a victory for justice, and the memory of a brave artist, art collector, and opponent of Fascism.”
Aniya, “As the heirs of Fritz Grunbaum, we are gratified that this man who fought for what was right in his own time continues to make the world fairer decades after his tragic death.”
Bilang karagdagan sa pitong naibalik na noong isang taon at ang dalawang huling nabanggit, may isa pang piraso na isinauli naman direkta ng isang kolektor sa pamilya.
Ayon kay Manhattan District Attorney Alvin Bragg, “The fact that we have been able to return ten pieces that were looted by the Nazis speaks to the dogged advocacy of his relatives to ensure these beautiful artworks could finally return home.”
Si Grunbaum, na isa ring art collector at kritiko ng Nazi regime, ay nagmamay-ari ng daan-daang likhang sining, kabilang ang mahigit 80 na likha ni Schiele.
Ang marami sa mga likha ni Schiele, na ikinukonsidera ng Nazis na “degenerate,” ay ini-auction o ipinagbili sa ibang bansa.
Naaresto ng Nazis noong 1938, si Grunbaum habang nasa Dachau ay napilitang lumagda sa isang kasunduan upang ilipat ang kaniyang power of attorney sa kaniyang asawa, na inutusan namang ibigay ang buong koleksiyon ng pamilya sa Nazis bago siya inilipat sa ibang concentration camp, na ang lokasyon ay tinatawag nang Belarus ngayon.