Asean Agriculture summit isinasagawa sa bansa

Dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t-ibang Association of Southeast Asian Nation o Asean countries ang  Asean Agriculture summit 2018.

Sa ilalim ng temang: Champion and Emerging Icons of inclusive Business Technology and Innovation, inilahad ang mga variable solutions na kinakaharap ng bansa sa Southeast Asia na may kinalaman sa agrikultura.

Layon din nitong maipaalam sa mundo ang kahalagahan ng pagtatanim at paano matutulungan ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang pagtatanim sa harap ng problema ngayon ng bansa sa Food security.

Isa si Agriculture secretary Manny Piñol sa nagbigay ng kaniyang talumpati at binigyang-halaga niya ang papel na ginagampanan ng mga magsasaka para sa pagpo-produce ng mga pangunahing pagkain ng mga Filipino.

Sa panig naman ng pamahalaan, sinabi ni Piñol  na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para matulungan ang mga local farmers at maturuan na rin sila ng Smart Farming.

Sinisikap din aniya ng pamahalaan na mapataas pa ang suplay ng murang bigas sa bansa para mapawi ang pangamba ng publiko ukol sa kakapusan ng bigas sa mga pamilihan.

 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *