Asean centrality, kailangan para sa matatag na relasyon sa rehiyon

Kailangan na ng Asean na mag-adjust dahil sa mabilis na trend at lumalagong ekonomiya ng mga bansa na kabilang sa trade partner nito katulad na lamang ng China at ng India.

Sa opening remarks ni Singaporean Prime Minister Lee Hsein Loong, sa 32nd Asean summit, isang magandang pagkakataon aniya at oportunidad ang nangyayari ngayon sa Asean para makipagsabayan sa mabilis na pagbabagong ito sa mundo ng pakikipagkalakalan, at nagiging pagbabago sa sistemang pampulitikal sa buong mundo.

Kailangan din aniya ay may matatag na relasyon at kooperasyon ang asean sa iba pang mga bansa sa buong mundo para mapapanatili nito ang matibay na pakikipagkaibigan para sa hinahangad na kapayapaan at katiwasayan sa rehiyon.

Kasabay nito, dahil naman sa lumalago at bumibilis na pagbabagong ito sa kalakarang pampulitika at kalakalan sa asean region, at dahil sa mga nangyayaring global trends and shift sa isyung pampulitika at ekonomiya at bagaman ang nangyayaring trade war ng china at ng amerika ay tunay aniyang nakakabahala subalit, hinikayat ni Prime Minister Lee Hsein Loong ang iba pang Asean member state na sama-sama pa ring magtulungan at palakasin pa lalo ang mga aspeto at layuning itinataguyod ng Asean para maitatag pa rin ang isang matatag na Asean community.

Hinikayat pa ni Prime Minister Lee Hsein Loong na palakasin din ang asean centrality sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga itinuturing na shared enterprise, hindi rin dapat na hayaan ng asean na mawalaan ng kabuluhan ang mga sinimulang layunin nito dahil lamang sa pagkakawatak-watak o pagiging i-relevant nito.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *