Asean-India ministerial meeting on Agriculture and Forestry, isinagawa sa India

 

Pinangunahan nina Mr. Grisada Boonrach, Minister of Agriculture and Cooperatives-Thailand at Mr. Shri Radha Mohan Singh ng Union of Agriculture and Farmers’ welfare-Indian government kasama ang mga Asean foreign ministers ang 4th Asean-India ministerial meeting on Agriculture and Forestry.

Sa joint statement na ipinalabas ng Asean, nakasaad doon na naging progresibo at kuntento ang mga kinauukulan sa kinalabasan ng implementasyon ng  Asean-India plan of action 2011-2015.

Sa nasabing plan of action ng Asean at India, naging matatag at malalim pa umano ang naging ugnayan at kooperasyon ng Asean sa kanilang bansa pagdating sa aspetong pang-agrikultura, pagkain, animal husbandry, fisheries at forestry.

Nakamit na rin ngayon ng India ang sustainable development goals kaya naman natutugunan na ng kanilang bansa ang goals ng United Nations zero hunger challenge.

Suportado rin at prayoridad ng Asean at India ang joint collaborative projects ng India at ito ay ang mga sumusunod:

  1. Agri-Forestry interventions for livelihood oppurtunities;
  2. Demonstration and exchange of farm implement and machinery;
  3. Generic improvement of parental lines and development of heterotic hybrids rice.

Samantala, nakatakda naman nilang i-endorso ang medium term plan of action for Asean-India cooperation in Agriculture and Forestry for 2016-2020 kung saan bibigyang pansin ang ukol sa Climate Change na direktang nakaka-apekto sa sektor at produksyon ng agrikultura hindi lamang sa India at Asean region kundi sa buong mundo.

 

=== end ===

Ulat ni Jet Hilario

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *