Asean organization, aminadong hirap sa negosasyon sa China pagdating sa pagpapatupad ng Code of Conduct of the South china sea
Aminado ang Asean na hirap at hindi madali para sa organization ang negosasyon para sa pagpapa-iral o pagpapatupad ng Code of Conduct sa South China sea.
Sa press conference ni Singaporean Prime Minister Lee Hsein Loong sa katatapos na Asean summit, muli aniyang sinimulan ang negosasyon ukol sa bagay na ito noong nakaraang Marso, pero, kailangan muna aniyang tuwirang madetermina ng Asean at ng China kung saan bahagi ng Code of Conduct ang hindi nila sinasang-ayunan at kung anu-anong areas of concern naman ang maaring mai-apply at maaring masang-ayunan ng magkabilang panig.
Ayon pa kay Prime Minster Lee Hsein Loong, talagang gugol ng mahabang panahong pag-uusap at negosasyon patungkol sa isyung teritorial dispute sa South China sea.
Pero mas mainam na rin aniya ang ganito para lalo pang natutukoy ng asean at china ang mga bagay na isinasaad sa Code of conduct maging ang jurisdiction ng Asean at ng China na maaring isangguni sa magkabilang panig at sa arbitral court na siyang nakaalam kung ano ang makakabuti para sa lahat.
Mainam na rin aniya kahit paano ay patuloy pa ring sinusubukan ng Asean ang negosasyon at pag-uusap para lamang mapanatiling kalmado ang isyu ng territorial dipute sa South China sea.
Ulat ni Jet Hilario