ASEAN Secretary General bumisita sa bansa
Nagtungo sa bansa para sa kaniyang unang official visit si ASEAN Secretary-General Kao Kim Hourn.
Sa kaniyang courtesy call kay Acting Secretary for Foreign Affairs and Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa P. Lazaro, pinasalamatan ng secretary general ang pagtanggap ng Pilipinas sa chairship sa 2026 ASEAN na isang taon na mas maaga kaysa sa actual chairship nito sa 2027.
Ipinapakita aniya ito ang kontribusyon ng Pilipinas sa katatagan ng ASEAN.
Tinalakay ng dalawang opisyal ang mga hakbangin para maisulong ang ASEAN Community-building process kabilang na ang implementasyon sa mga desisyon sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta nitong Setyembre.
Samantala, lumahok si Hourn sa tree planting sa 18th Founding Anniversary ng ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) sa Los Baños, Laguna.
Nakaharap din ng opisyal ang mga pamunuan ng DSWD at DTI sa mga hiwalay na okasyon.
Nakipag-dayalogo rin si Hourn sa mga nasa business sector ng bansa.
Moira Encina