Asean Secretary-General, nag-courtesy call kay Japanese foreign minister Taro Kono

 

Matapos ang courtesy call ni Asean Secretary general Dato Lim Jock Hoi kay Malaysian Prime Minister Najib Razak, nakipagkita naman ito kay Japanese foreign minister Taro Kono sa Tokyo, Japan.

Kinausap ng Asean Secretary General si Foreign Minister Kono at sinabi nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng Japan bilang Trade partner nito sa Asean region.

Kinikilala rin ng Asean organization ang kontribusyon ng Japan dahil sa patuloy na suportang ibinibigay nito sa mga bansa sa Asean pagdating sa pagtulong upang palaguin ang ekonomiya ng mga Asean member state.

Muli namang nangako si Japanese foreign minister Taro Kono kay Sec-Gen. Jock Hoi na patuloy nitong susuportahan ang mga simulain at adhikaing isinusulong ng Asean organization lalu na pagdating sa pagpo-promote ng peace, prosperity at stability sa Asean region.

Looking forward din ang Asean at Japan sa matibay pa nitong ugnayan sa hinaharap lalu’t nalalapit na ang ika-45 anibersaryo ng Asean-Japan dialogue relations nito sa buwan ng Mayo.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *