Asian Games medalists, bibigyan ng heroe’s welcome

Photo courtesy of PSC FB page

Pararangalan sa isang grand heroes’ welcome sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila, ang mga matagumpay na atletang pilipino sa katatapos na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ayon sa impormasyong ipinarating ng Office of the President (OP) kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann, dadalo si pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa seremonya para sa mmga medalist, na kinabibilangan ng gold winners na sina EJ Obiena ng athletics, Meggie Ochoa at Annie Ramirez ng jiu-jitsu, at Gilas Pilipinas men’s basketball team.

Photo courtesy of EJ Obiena FB page

Kasama rin ang Silver medalists na sina Eumir Marcial ng boxing at Arnel Mandal ng wushu at bronze medalists na sina Patrick King Perez ng taekwondo; Jones Inso, Gideon Padua at Clemente Tabugara, Jr., ng wushu; Alex Eala at Francis Alcantara ng tennis; Patrick Coo ng cycling; Elreen Ando ng weightlifting; Kaila Napolis ng jiu-jitsu; Sakura Alforte ng karate; at the men’s sepak takraw team.

Photo c/o pna.gov.ph / courtesy of MIAA Media Affairs

Sinabi ni Bachmann, “Ang ating apat na ginto, dalawang pilak, at 12 tanso ay sapat na para tayo ay mapunta sa ika-17 puwesto mula sa 45 mga bansa na kalahok sa palaro. Nalampasan din natin ang 19th overall finish sa huling edisyon ng quadrennial meet na ginanap sa Indonesia noong 2018.”

Alex Eala at Francis Alcantara (Photo courtesy of Alex Eala FB page)

Ang mga atletang pilipino na nakakuha ng medalya sa Asian Games ay pagkakalooban ng cash incentives mula sa gobyerno sa ilalim ng Republic Act No. 10699, na kilala rin bilang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’

pna

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *