Aspen ng South Africa, lumagda ng kasunduan sa Johnson & Johnson para sa African anti-Covid vaccine
Inihayag ng South African pharma giant na Aspen, na nagkaroon na ito ng pakikipagkasundo sa US-based Johnson & Johnson (J&J) na magbibigay-daan para sa isang anti-Covid vaccine na gawa sa Africa para sa Africa.
Ayon kay Aspen CEO Stephen Saad . . . “Today we are pleased to announce the intention for Johnson & Johnson to grant Aspen the rights to manufacture and sell Aspen’s own brand of the vaccine in Africa.”
Nakasaad sa statement ng kompanya . . . “The preliminary deal will form the basis for negotiation of a definitive agreement on the manufacture and sale of an Aspen-branded Covid-19 vaccine throughout Africa. In addition, Johnson & Johnson would grant Aspen a license to the enabling intellectual property for this purpose.”
Ang Africa ang may pinakamababang vaccination rate, kung saan mas kakaunti kaysa seven percent ang mga taong ganap nang bakunado, na ang pangunahing dahilan ay ang malalim na kawalan ng patas na access sa bakuna, kumpara sa mayayamang mga bansa.
Matatandaan na pinangunahan ng South Africa at India ang mga pagsisikap na i-pressure ang mayayamang mga bansa na alisin na ang intellectual property protections sa bakuna para sa Covid, sa pag-asang makagawa ng mas murang generic versions para sa mahihirap na mga bansa.
Ayon kay South African President Cyril Ramaphosa . . . “This announcement will make an important contribution to addressing vaccine inequality and building Africa’s capacity to meet its own vaccine needs now and into the future.”
Sinabi naman ni Matshidiso Moeti, WHO regional director for Africa na . . . It is an important step forward towards increasing Africa’s manufacturing capacity and the push to ramp up access to vaccines”.
Ang anunsiyo ng Aspen ay kasunod ng pagkaka-detect ng mga siyentista ng South Africa, sa pinakabagong Covid-19 variant na tinawag na Omicron na nadulot ng panibagong pangamba sa buong mundo.
Nai=package na ng kompanya ang mga bakuna ng J&J sa isang pabrika sa Gqeberha City na nasa timog ng South Africa, pero hanggang ngayon ay wala pang patent deal ng developer para bigyan ito ng kapangyarihan sa pagpepresyo at pagbebenta nito.
Ayon sa Aspen, ang pinakamalaking drug maker ng Africa, nai-package na nila ang higit sa 100 million doses sa South Africa, na halos lahat ay gagamitin para sa Africa.
Ayon sa kompanya, kaya nilang gumawa ng hanggang 300 milyong doses ng J&J vaccine kada taon, na ang target ay mapalakas ang kapasidad ng hanggang sa 700 million pagdating ng 2023. (AFP)