Assets ng Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga pina-freeze na ng PAOCC

Courtesy: PAOCC

Ipinag-utos na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC sa Anti-Money Laundering Council o AMLAC, na i-freeze ang lahat ng assets ng Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ang hakbang ay kasunod pa rin ng ginawang paghalughog sa nasabing POGO hub noong June 4, dahil sa ilegal na aktibidad na ginagawa ng scam firm.

Sa nilagdaang memorandum ni Executive Secretary Lucas Bersamin, saklaw ng nasabing freeze order ang lahat ng assets na nasa loob ng compound ng Lucky South 99, kabilang na ang 46 na mga gusali.

Courtesy: PAOCC

Kasama rin ang nakaparadang mga sasakyan sa loob ng compound at iba pang assets.

Sa ngayon ay ikinandado na ng PAOCC ang lahat ng mga gusali pati ang mga sasakyan na nasa loob ng Lucky South 99 compound, pagkatapos ng ginawa nilang pag-inspeksiyon at pagpapatupad ng search warrant.

Nakatakda ring patawan ng forfeiture order ang mga operator at may-ari ng POGO hub, at aalamin kung ano ang maaaring gawin sa mga nasabing pasilidad.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *