Assistant coach ng Bucks kinuha para maging coach ng L.A. Lakers
Kinuha bilang coach ng Los Angeles Lakers ang matagal nang assistant coach ng reigning NBA champion na Milwaukee Bucks na si Darvin Ham.
Ayon sa mga reports, kinuha ng Lakers si Ham kung saan lalagda ito ng isang apat na taong deal kay Ham na magiging NBA coach sa unang pagkakataon.
Pinatalsik ng Lakers si Frank Vogel noong nakaraang buwan matapos ma-miss ng koponan ang playoffs.
Si Vogel, na gumabay sa Lakers sa 2020 NBA title, ay nagtala ng 127-98 sa tatlong season kasama ang club, na nahirapan noong nakaraang season matapos ang mga pinsalang tinamo nina Anthony Davis at LeBron James.
Agad namang ipinaabot ng four-time NBA Most Valuable Player na si James ang kaniyang suporta kay Ham sa pamamagitan ng isang tweet kung saan nakasaad “Congrats and welcome Coach Ham!”
Ang Lakers ay nangangailangan ng roster revamp para mag-compete sa isang mahirap na Western Conference sa kabila ng pagkapanalo ng korona dalawang taon lamang ang nakararaan, ang pang-apat na titulo sa karera para kay James.
Ang inatasang gumabay sa Lakers pabalik sa title contention ay si Ham, isang 48-anyos na Amerikano na nanalo ng titulo sa NBA bilang forward sa Detroit noong 2004 at isang assistant coach noong nakaraang taon sa Bucks.
Si Ham ay isang assistant coach para sa Lakers mula 2011-2013, pagkatapos ay ginugol ang susunod na limang season bilang assistant para sa Atlanta Hawks bago sumunod kay coach Mike Budenholzer sa staff ng Bucks noong 2018.
© Agence France-Presse