Astrazeneca vaccines, hindi muna ituturok sa below 60 years old
Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Covid-19 vaccine ng Astrazeneca sa mga nasa edad below 60 years old. (59 years old pababa)
Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA) na itigil muna ang paggamit ng Astrazeneca vaccine sa nasabing age group dahil sa mga ulat ng kaso ng blood clotting at pagbaba ng platelets sa ilang indibidwal na nabigyan ng nasabing bakuna sa ibang bansa.T
Tiniyak naman ng DOH at FDA ang masusing pag-aaral sa mga bagong development na ito para makabuo ng nararapat na rekomendasyon sa paggamit ng bakuna.
Nilinaw naman ng DOH na dito sa bansa, walang naitalang kaparehong insidente ang National Adverse Events Following Immunization Committee.
Pero tiniyak ng DOH at FDA ang monitoring sa vaccine rollout at mga posibleng adverse event.
Nilinaw naman ni FDA Director General Eric Domingo na ang temporary suspension na ito ay hindi nangangahulugan na hindi ligtas o hindi epektibo ang Astrazeneca vaccine kundi bilang precautionary measure lamang para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino.
Madz Moratillo