ATP Finals campaign, sinimulan ni Sinner sa pamamagitan ng panalo laban kay Minaur

Inalpi Arena, Turin, Italy - November 10, 2024.Italy's Jannik Sinner celebrates winning his group stage match against Australia's Alex De Minaur. REUTERS/Guglielmo Mangiapane

Sinimulan ng world number one at home favotite na si Jannik Sinner ang kaniyang kampanya para sa unang pagkakataon ay manalo sa ATP Finals, sa pamamagitan ng isang 6-3, 6-4 victory laban kay Alex de Minaur.

Si Sinner, na runner-up kay Novak Djokovic sa prestihiyosong year-ending tournament noong isang taon, ay maagang natalo sa unang set ngunit agad ding bumawi upang dominahin ang laro.

Kinumpleto ng Italian ang tagumpay sa pamamagitan ng isang ace.

Si Sinner, ay nagwagi sa Australian at U.S. Open ngayong taon.

Bago ang laban ni Sinner at Minaur, ay tinalo naman ng Russian na si Daniil Medvedev ang Amerikanong si Taylor Fritz sa Ilie Nastase Group.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *