Atty. Ely Pamatong, naghain ng Quo Warranto petition laban kay Chief Justice Teresita de Castro

Isang araw matapos pormal na maupo bilang pinuno ng hudikatura, ipinagharap si Chief Justice Teresita de Castro ng suspendidong abogado at nuisance candidate na si Elly Pamatong ng Quo Warranto petition.

Sa petisyon ni Pamatong, sinabi nito na void o walang bisa ang pagkakatalaga kay De Castro bilang punong mahistrado.

Ayon kay Pamatong, ito ay dahil si Pangulong Duterte na humirang kay De Castro ay isang usurper o iligal na inookupa ang posisyon ng presidente.

Bukod dito ay nahaharap din anya sa hiwalay pa na quo warranto petition ang Pangulo na kanyang isinampa.

Mayroon din anya siyang isa pang Quo Warranto petition laban sa mga mahistrado ng Supreme Court na unang inihain kung saan kabilang din sj De Castro.

Una nang inatasan ng Supreme Court ang Malacañang na magkomento sa quo warranto petition ni Pamatong laban sa Pangulo.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *