Atty. Jose Manuel Diokno at iba pang abogado sa Writ of Kalikasan case, inatasan ng Korte Suprema na patunayan na may alam ang mga mangingisda sa nilalaman ng petisyon
Hindi muna inaksyunan ng Korte Suprema ang mosyon nina Atty. Jose Manuel Diokno, Atty. Andre Palacios at Atty. Gil Anthony Aquino na umatras bilang counsel para sa 20 mangingisdang petitioner sa writ of kalikasan case sa West Philippine Sea.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, inatasan ng Korte Suprema ang mga abogado na magbigay ng patotoo na alam ng mga mangingisdang petitioners na alam nila ang aktuwal na nilalaman ng petisyon.
Nais din ng Supreme Court na subukan muli ng mga abogado na makipag-ugnayan sa kanilang kliyente.
Iniutos din ng SC na magbigay sina Diokno ng legal justification na maaring mapagbigyan ang kanilang motion to withdraw as counsel habang maiiwan namang walang abugado ang karamihan sa mga petitioner.
Binigyan ng pitong araw sina Diokno para tumalima sa utos ng Korte Suprema.
Ulat ni Moira Encina