Australia magbibigay ng fourth Covid-19 jab sa lampas 65 ang edad
Inanunsiyo ng federal health authorities na simula sa susunod na buwan ay magbibigay na sila ng ika-4 na dose ng Covid-19 vaccines sa mga lampas 65 taon ang edad, bunsod na rin ng paglaganap ng bagong Omicron strain.
Inaprubahan ng top advisory group on vaccines ang ika-4 na bakuna para sa vulnerable groups: ito yaong mga lampas 65-anyos, indigenous people na lampas 50-anyos, immunocompromised at care home residents.
Sa nakalipas na anim na linggo, ay inirekomenda ng iba pang mga bansa, kabilang na ang France, Germany at Sweden maging ng health authorities sa England, ang ika-4 na Covid-19 vaccine dose para sa “most vulnerable,” kabilang na ang mga matatanda.
Ang Australia ay nakapag-ulat ng arawang infection rate na higit 50,000 sa nakalipas na ilang araw, halos doble ng bilang ng sinundang buwan, na bahagyang isinisi sa paglitaw ng mas nakahahawang BA.2 Omicron variant.
Sinabi ni Health Minister Greg Hunt, na magiging available na ang extra dose simula April 4 — halos dalawang buwan bago nagsimula ang Australian winter — para sa mga nabigyan na ng third dose hindi bababa sa apat na buwan ang nakaraan.
Ayon kay Hunt . . . “A booster is your best protection against the most severe impacts of Covid and may provide protection against long Covid.”
Sinabi pa ng health minister, na ang mga darating sa Australia ay hindi na ngangailangang kumuha ng proof ng isang negative Covid-19 test “in advance” kapag ang emergency Covid-19 legislation ay magpaso na sa April 17.
Gayunman, ang mga pasahero ay dapat fully vaccinated na at kailangan pa ring magsuot ng masks habang lulan ng eroplano.
Sinabi naman ng ATAGI, ang advisory group on immunisation ng Australia, na ang Pfizer at Moderna ang piniling bakuna para gamitin sa fourth dose o extra booster shot.
Subali’t ayon sa kanilang pahayag, wala pang “sapat na ebidensiya” ng benepisyo ng fourth dose para sa iba pang mga grupo sa mas malawak na populasyon.
Malugod na tinanggap ni Raina MacIntyre, head ng biosecurity program sa Kirby Institute ng University of NSW, ang balita ng ika-apat na bakuna pero sinabing mas pipiliin niya na ibigay ito sa mga lampas ng 50-anyos.
Aniya . . . “Protection from three doses wanes substantially after a few months, even against severe outcomes like hospitalisation and death. At 50 years, the immune system starts to decline in a process called immunosenescence, and it declines exponentially and predictably from then on. This has been well studied for other infections, and Covid-19 seems to follow the same pattern.”
Hinimok ni MacIntyre ang mga Australiano na magpa-third vaccine na, at para sa mga kwalipikado ay ang fourth dose.
Ayon kay MacIntyre . . . “This is not a cold or the flu. There is now substantial evidence of serious long-term effects including brain damage, heart disease, lung disease and diabetes in a proportion of survivors, even in people with mild infection.”
Ang Australia ay nakapag-ulat ng kabuuang 3.93 million Covid-19 infections simula nang mag-umpisa ang pandemya, at 5,824 dito ang namatay.