Australia, magsasagawa rin ng diplomatic boycott sa Beijing Olympics
Hindi magpapadala ang Australia ng kanilang mga opisyal sa darating na winter Olympics sa Beijing at sasama na rin sa US diplomatic boycott ng eventt. Ito ang sinabi ni Prime Minister Scott Morrison.
Ang desisyon ay sa gitna ng hindi pagkakaunawaan ng China at Australia sa maraming isyu, mula sa foreign interference laws ng Australia hanggang sa desisyon kamakailan na bumili ng nuclear-powered submarines.
Binanggit din ni Morrison ang human rights abuses sa Xinjiang region at ang hanggang ngayo’y naka-”freeze” na ministerial contact sa Canberra.
Aniya . . . “Australia will not step back from the strong position we’ve had standing up for Australia’s interests, and obviously it is of no surprise that we wouldn’t be sending Australian officials to those Games.”
Ang desisyon ng Australia ay ginawa isang araw pagkatapos ipahayag ng United States ang diplomatic boycott nito.
Ang desisyon ng US ay nag-ugat sa tinatawag ng Washington na genocide ng China sa minoryang Uyghur at iba pang mga pang-aabuso sa karapatang pantao.
Ang relasyon ng Australia sa China ay bumagsak sa mga nakalipas na taon, nang isailalim ng beijing sa sanctions ang mga balsa ng Australia na may lulang mga produkto sanhi ng pagtatalo sa pulitika na ikinahulog ng relasyon ng dalawang bansa sa pinakamalubhang krisis, mula nang maganap ang Tiananmen crackdown noong 1989.
Ikinagalit naman ng China ang pagpayag ng Australia na gumawa ng batas laban sa overseas influence operations, upang hadlangan ang Huawei sa mga kontrata ng 5G, at magpatawag ng independent investigation sa pinagmulan ng coronavirus pandemic.
Ang kamakailan ay hakbang ng Australia na bigyan ng nuclear-powered submarines ang kaniyang navy sa ilalim ng isang bagong kasunduan sa Britain at Estados Unidos, na malawakang nakikita ng China na isang pagtatangkang pigilan ang impluwensiya nito sa Pacific region ang lalong nagpagalit sa China.
Ayon kay Morrison . . . “Canberra officials had ‘always been open to talks with Beijing, but those attempts had been rebuffed. There’s been no obstacle to that occurring on our side, but the Chinese government has consistently not accepted those opportunities for us to meet about these issues.”
Dagdag pa nito . . . “Australia’s a great sporting nation and I very much separate the issues of sport and these other political issues. They’re issues between two governments. And I would like to see those issues resolved.”
Sinabi ng Australian Olympic Committee (AOC), na nirerespeto nito ang desisyon ng gobyerno, at sinabing hindi ito makaaapekto sa paghahanda ng Australian team.
Ayon kay chied executive Matt Carroll . . . “The AOC is very focused on ensuring that team members are able to safely travel to China given the complexity of the Covid environment, with our athletes departing from overseas locations. Getting the athletes to Beijing safely, competing safely and bringing them home safely remains our greatest challenge.”
Halos 40 Australian athletes ang inaasahang lalahok sa Beijing Games, na magbubukas sa February 4, 2022.
Aniya . . . “Our Australian athletes have been training and competing with this Olympic dream for four years now and we are doing everything in our power to ensure we can help them succeed.” (AFP)