Australia, niyanig ng 5.8-magnitude na lindol
Isang mababaw na lindol ang tumama sa southeastern Australia ngayong umaga, sanhi upang maglabasan sa kalsada ang mga tao dahil sa pag-uga ng mga gusali doon.
Tumama ang lindol sa silangan ng Melbourne, lampas alas-9:00 ng umaga (oras doon), at naramdaman daan-daang kilometro ang layo.
Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay may magnitude na 5.8 at may lalim na 10 kilometro.
Hindi karaniwang dinadalaw ng malalaking lindol ang mataong lugar ng Melbourne, na nasa timogsilangan ng Australia.
Ayon kay Mike Stanford, isang geologist sa University of Melbourne . . . “At around just under magnitude six, this was the biggest event in south east Australia for a long time. We had some very big ones at magnitude six in the late 1800s, though precise magnitudes are not well known.”
Aniya . . . “A quake this size is expected every 10-20 years in south east Australia, the last was Thorpdale in 2012. This is significantly bigger.”
Sinabi ng Geosciences Australia na sinundan agad ng isang 4.0-magnitude na aftershocks ang unang pagyanig.
Ayon sa emergency services, nakatanggap sila ng tawag na humihingi ng tulong kahit sa malalayong lugar gaya ng Dubbo, na nasa 700 kilometro na mula sa sentro ng lindol.
Sinabi ni Prime Minister Scott Morrison . . . “It can be a very, very disturbing event for an esrthquake of this nature. They are very rare events in Australia.”
Ayon naman sa alkalde ng Mansfield, malapit sa sentro ng lindol, walang napinsala sa maliit na bayan ngunit nasorpresa ang mga residente.