Australia tutulong sa pagpapalakas ng Vaccination rollout ng Pilipinas
Nakipagpartner na ang Australian Government sa UNICEF Philippines para paigtingin ang vaccination program ng Pilipinas.
Nagbigay ang Australia ng cold chain equipment para solusyunan ang problema sa storage facility.
Tatlumpung solar powered vaccine refrigerators ang ibinigay ng Australia na nagkakahalaga ng 48.7 million pesos
Bukod pa rito ang mga personal protective equipment para sa walk-in cold rooms at 106 sets ng spare parts.
Ipapamahagi ang solar fridge sa Davao region, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Basilan at Tawi tawi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ilalagay sa mga ito ang mga bakuna para sa mga nabanggit na lalawigan.
Sinabi ni Australian Ambassador to the Philippines Steven J. Robinson na bahagi ito ng commitment ng gobyerno ng Australia na tulungan ang pagbabakuna ng Pilipinas at matiyak na magkakaroon ng access sa bakuna ang mga nasa pinaka mahirap na populasyon.
Isa ang Australia sa mga nag donate na rin ng bakuna sa Pilipinas.
Meanne Corvera