Australian foreign minister bibisita sa bansa mula May 16-19
Nasa bansa sa darating na Mayo 16 hanggang 19 si Australian Foreign Minister Penny Wong para sa official visit.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), makakaharap ni Wong si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa May 18 para sa bilateral meeting.
Ilan sa mga pag-uusapan ng dalawang opisyal ay ang ukol sa defense and security partnership, development cooperation, trade and investment, at people-to-people ties.
Magku-courtesy call din si Wong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ang pagbisita ni Wong ay kasunod ng mga serye ng high-level exhanges sa pagitan ng Australia at Pilipinas.
Sinabi ng DFA na oportunidad ito para ma-renew at mapalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at ma-explore pa ang bagong areas of cooperation.
Moira Encina