Australian toddler nailigtas mula sa arcade claw machine
Nailigtas ng mga pulis ang isang Australian toddler na umakyat sa isang “Hello Kitty” arcade claw machine at hindi na nakaalis mula roon.
Sinabi ng Queensland police, na umakyat ang tatlong taong gulang na si Ethan sa claw machine na punong-puno ng stuffed toys, sa pamamagitan ng prize dispenser chute.
Pinag-aralan ng apat na pulis ang problema, bago nila hinimok si Ethan na magpunta sa dulong bahagi ng glass compartment.
Body camera footage of police rescuing a three-year-old boy who climbed inside a claw machine and got trapped. Police officers and the boy’s father ask him to move to the back of the machine before breaking the glass and lifting Ethan out of the arcade game. Screen grab from QUEENSLAND POLICE SERVICE/AFPTV
Ayon sa Queensland police, “Police ensured Ethan was at a safe distance before breaking a glass window of the machine in order to free him.”
Biro ng isang pulis, “You won a prize, which one do you want?,” habang binubuhat ang bata palabas sa claw machine.