‘Avatar’ namalaging nangunguna sa N. America box office
Sa kabila ng pananalasa ng winter storm na naging sanhi upang milyun-milyon ang mamalagi sa loob ng kanilang mga tahanan sa apat na araw na holiday weekend, kumita ng tinatayang $90 million ang “Avatar: The Way of Water” at namalaging nangunguna na North American box office.
Ang James Cameron sci-fi sequel ay nagpasok na ngayon sa 20th Century ng kitang $287.7 million domestically, para maging ika-limang “highest-grossing film of 2022.”
Ngunit ayon sa mga analyst, bagama’t nalampasan nito ang mga inaasahan sa gitna na rin ng pananalasa ng winter storm, tatlong bagong release ang katamtaman lamang ang kinita kaysa inaasahan.
Ang family-oriented na “Puss in Boots: The Last Wish” ng Universal, na isang computer-animated spin-off ng “Shrek” franchise, ay kumita lang ng $17.5 million para sa Friday-through-Monday period.
Ang Sony biopic na “Whitney Houston: I Wanna Dance With Somebody” ay kumita naman ng $6.8 million. Ang English actress na si Naomi Ackie ang gumanap sa papel ng pumanaw na superstar.
Habang ang comedy-drama naman na “Babylon,” ng Oscar-winning director na si Damien Chazelle, ay kumita lamang ng $5.3 million sa kabila nang kasama sa cast nito si Brad Pitt at Margot Robbie.
Subalit iminumungkahi ni David A. Gross ng Franchise Entertainment Research, na ang over-the-top epic ay maaaring sumigla sa takilya kapag ito ay nakakuha ng malaking awards nominations na inaasahan ng marami.
Nasa ika-limang puwesto naman ang “Black Panther: Wakanda Forever,” na kumita ng $5.3 million. Ang kaniyang domestic total ay nasa $428 million na ngayon.
Narito naman ang kukumpleto sa top 10:
“Violent Night” ($4.3 million)
“The Whale” ($1.5 million)
“The Menu” ($1 million)
“The Fabelmans” ($900,000)
“Strange World” ($675,000)
© Agence France-Presse