Avatar: The Way of Water, lumampas na sa global $2 billion mark
Hindi nagpapakita ng senyales ang “Avatar: The Way of Water” na hihina ang dominasyon nito sa takilya, matapos kumita ng tinatayang $19.7 million sa ika-anim na linggo ng pagpapalabas nito sa North America, ayon sa industry watcher na Exhibitor Relations.
Ang James Cameron sci-fi epic ay lumampas na sa $2 billion mark globally, na ang accumulated ticket sales ay $598 million sa America at $1.42 billion naman sa buong mundo.
Ang Disney/20thCentury film ang ika-anim na pelikula na lumampas sa $2 billion mark, bagama’t malayo pa rin ito ng $1.5 billion sa all-time leader, ang original na “Avatar.”
Umakyat ng isang puwesto makalipas ng limang linggo, ang family-friendly “Puss in Boots: The Last Wish” ng Universal. Nasa ikalawang puwesto na ito ngayon at kumita ng $11.5 million para sa Friday-through-Sunday period.
Bumaba naman ng isang puwesto at ngayon ay nasa ikatlo na lamang, ang scary-doll thriller na “M3GAN” mula sa Universal at Blumhouse Productions, na kumita ng $9.8 million.
Nasa pang-apat ang bagong release ng Sony na “Missing,” na kumita ng $9.3 million. Tampok dito si Storm Reid bilang isang teenager na desperado nang mahanap ang kaniyang ina na ginampanan naman ni Nia Long, makaraan itong mawala nang sila ay magbakasyon sa Colombia.
Ang opening ng naturang pelikula ay tinawag ni David A. Gross ng Franchise Entertainment Research na “impressive” para sa isang crime thriller at sinabing,”The reviews are excellent.”
Nasa ika-limang puwesto naman mula sa ika-apat noong isang linggo, ang feel-good movie ng Sony na “A Man Called Otto,” na kumita ng $9 million. Tampok dito si Tom Hanks na gumanap ng isang karakter na naka-base sa popular na Swedish novel na “A Man Called Ove.”
Narito ang kukumpleto sa talaan ng top 10:
“Plane” ($5.3 million)
“House Party” ($1.8 million)
“That Time I Got Reincarnated as a Slime” ($1.5 million)
“Black Panther: Wakanda Forever” ($1.4 million)
“The Whale” ($1.3 million)
© Agence France-Presse