Ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng pagbagsak ng presyo ng palay, patuloy na ipinagkakaloob ng gobyerno
Nasa tatlong bilyong piso ang kabuuang ipamamahagi ng Department of Agriculture (DA) para sa 33 probinsiyang naapektuhan ng pagbagsak ng presyo ng palay.
Ayon kay Secretary William Dar sa pamamagitan ng unconditional cash transfer ay nasa 5,000 piso kada magsasaka ang ipamimigay nila na nagsasaka ng nasa isa’t-kalahati hanggang dalawang ektaryang pananim.
Karamihan aniya sa mga lalawigan ay mula sa Regions 1 at 2.
“Nagpapabigay tayo ng unconditional cash transfer. We are distributing sa 33 provinces, 5,000 pesos each sa bawat rice farmers”.
Please follow and like us: