Azurin sa kaniyang pagreretiro: “No regrets”

Magre-retiro na sa Lunes, April 24 si Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr.

Apat-na-araw bago ang kaniyang mandatory retirement, aminado ang opisyal na marami siyang nakabangga sa loob ng anim-na-buwang pamumuno sa Pambansang Pulisya.

Gayunman, wala umanong pinagsisisihan si Azurin sa kabi-kabilang kontrobersiya na ibinabato laban sa kaniya.

Partikular na ang umano’y tangkang cover-up sa kaso ng 990 kilo ng shabu na una nang itinanggi ng Heneral.

We set our targets, we were given objectives and I think, generally, I can say that I was able to comply with those targets and objectives, so no regrets,” ayon kay Gen. Azurin.

Sinang-ayunan naman ng Heneral ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na dapat malaman ng publiko ang buong katotohanan sa likod ng pagkakakumpiska sa 990 kilo ng shabu sa operasyon sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.

Tiniyak ni Azurin na gumugulong na ang imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) at ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) hinggil dito.

Batid ni Azurin na marami ang nagalit sa kaniya dahil sa mga reporma na ipinatupad niya sa PNP, kabilang na ang major reshuffle nang maupo siya sa puwesto noong Agosto kung saan higit 80 opisyal ang naapektuhan.

“Kaya nga maraming nagagalit sa akin because of that extension. No extension, I suppose… ,” dagdag ni Azurin.


Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *