Babaeng bisita ng PDL sa Bilibid, nahulihan ng iligal na droga

Courtesy: BuCor
Napigilan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tangkang pagpuslit ng iligal na droga ng isang babae na bisita ng inmate, sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon sa BuCor, nahulihan ang babaeng dalaw na nakilalang si Rovelyn Fabillar, ng ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakatago sa pribadong parte ng katawan nito.

Courtesy: BuCor
Nakabalot sa condom ang kontrabando at inilagay sa plastic.
Nadiskubre ang hinihinalang droga sa isinagawang security inspections sa mga dalaw.
Matatandaang bumili ang BuCor noong nakaraang taon ng dalawng advanced full-body scanners, na kayang mag-detect ng mga bagay na nilunok o nakatago sa loob ng katawan ng mga bisita gaya ng droga.

Courtesy: BuCor
Nai-turnover na ng BuCor sa Muntinlupa PNP ang babae, habang ang kontrabando ay ibinigay na sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Moira Encina-Cruz