Babaeng Syrian na hinihinalang miyembro ng ISIS hindi pa naipapa-deport ng BI

Patuloy na nakikipag-ugnayan sa Syrian embassy ang Bureau of Immigration para sa deportasyon ng babaeng mamamayan nito na hinihinalang miyembro ng teroristang grupong ISIS.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, batay sa mga opisyal ng BI ay hindi pa naipapa-deport si Rahaf Zina.

Sa ngayon ay ticket na lang ang hinihintay para maideport ito pabalik sa Qatar na bansang pinagmulan nito bago pumunta sa Pilipinas.

Una nang naideport sa Kuwait ang asawa ni Rahaf na si Hussein Aldhafiri na sinasabi ring miyembro ng ISIS at expert bomb-maker na may planong terror attack sa naturang bansa.

Si Rahaf ay sinasabi ring byuda ng isa sa top ISIS commander na napatay sa Syria.

Naaresto sina Aldhafiri at Rahaf ng mga otoridad noong March 25 sa Taguig City.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *