Back up files na ginamit noong May 9 Elections buburahin na ng Comelec
Mahigit isang buwan matapos ang matagumpay na May 9 National and Local elections, binura na ng Commission in Elections ang files sa kanilang servers na nasa kanilang warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
Nilinaw naman ni Comelec Spokesperson Aty. John Rex Laudiangco, na nagkaroon muna sila ng back up ng mga nasabing files kaugnay sa mga presinto, mga kandidato at iba pang reference bago ito tuluyang binura.
Ang files na ito ay itatago aniya ng Comelec.
Ginawa aniya ang pagbubura ng files sa kanilang servers para masiguro ang full security ng election files.
Ang pagbubura ng files ay sinaksihan naman ng mga kinatawan mula sa Political Parties at Citizens’ Arm Group.
Madelyn Villar – Moratillo