Bad Bunny at Jennifer Lopez kabilang sa co-hosts ng Met Gala
Inanunsiyo ng Metropolitan Museum of Art, na magiging co-hosts sa Met Gala ngayong taon ang showbiz A-listers na sina Bad Bunny, Jennifer Lopez, Zendaya at Chris Hemsworth bilang isa sa highlights ng New York social calendar.
Makakasama nila ang Vogue Editor-In-Chief na si Anna Wintour na siya namang main host ng gala na gaganapin sa May 6, na magiging tanda ng pagbubukas ng taunang exhibit sa Costume Institute ng Met.
Ang magiging dress code ng gabi ay “The Garden of Time,” na ang inspirasyon ay nagmula sa 1962 short story na may katulad na titulo na isinulat ng English writer na si J.G. Ballard, na tungkol sa esensya ng panandaliang likas ng kagandahan.
Bad Bunny, shown here at the 2023 Met Gala, will co-host the 2024 event / AFP
Ang theme ay katulad ng show na “Sleeping Beauties: Reawakening Fashion,” isang exhibit na tututok sa “most fragile pieces of the Costume Institute’s vast collection visually united by iconography related to nature.”
Makikita ito ng publiko simula May 10 hanggang September 2.
Ang Costume Institute ay umaasa sa Met Gala upang pondohan ang mga ginagawa nito, gaya ng exhibitions at acquisitions.
Zendaya (L), shown here attending the 2019 Met Gala, is among the co-hosts for this year’s event / AFP
Unang nagkaroon ng gala noong 1948 at sa loob ng maraming mga dekada ito ay nakareserba para sa New York high society.
Si Wintour, na itinuturing na ‘high priestess of fashion,’ ang humalili sa show noong 1990s, kung saan binago niya ang party at ginawang isang catwalk para sa “rich and famous.”
Naging isa na rin itong social media extravaganza, dahil ang gala at exhibit ay kapwa co-sponsored ng TikTok.