Bagong album at world tour, inanunsiyo ng Metallica
Inanunsiyo ng Metallica ang isang global tour at ang paparating nilang ika-12 studio album na may pamagat na, “72 seasons,” ang una mula noong 2016.
Ang album ay nakatakdang ipalabas sa Abril 14 sa susunod na taon, at ang tour ay magsisimula naman sa kaparehong buwan sa Amsterdam.
Magkakaroon din ng mga pagtatanghal ang grupo sa Europe, kabilang na sa Paris, Hamburg at Madrid, at may mga petsa ring itinakda para sa magkabilang panig ng North America na kinabibilangan ng Los Angeles, Detroit, Montreal at Mexico City.
Nitong Lunes, ang heavy metal band ay naglabas din ng isang bagong awitin na pinamagatang “Lux Aeterna,” na mula sa kanilang 12-track album.
Paliwanag ng 59-anyos na frontman ng Metallica na si James Hetfield tungkol sa kanilang album, “72 seasons. The first 18 years of our lives that form our true or false selves. The concept that we were told ‘who we are’ by our parents. A possible pigeonholing around what kind of personality we are. I think the most interesting part of this is the continued study of those core beliefs and how it affects our perception of the world today.”
Sinabi pa ni Hetfield, “Much of our adult experience is reenactment or reaction to these childhood experiences. Prisoners of childhood or breaking free of those bondages we carry.”
© Agence France-Presse