Bagong BOC Chief inanunsiyo na ni Pangulong Duterte
Inanunsiyo na ni Pangulong Duterte ang appointment ni PDEA Chief Isidro Lapenia bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs.
Ayon sa Pangulo si Lapena ay papalitan ni Police Official Aaron Aquino bilang pinuno ng PDEA.
Magugunitang inihayag ng Pangulo na tatlong beses nagsumite ng resignation letter sa kaniya si Customs Commissioner Nicanor Faeldon subalit hindi niya ito tinanggap.
Si Faeldon ay nasa sentro ng kontrobersiya matapos makalusot sa Customs ang mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu mula sa NAIA.
Dalawang opisyal na rin ng Customs ang nagbitiw na sa tungkulin dahil sa nasabing kontrobersiya.