Bagong coronavirus variant, mino-monitor ng scientists sa South Africa
JOHANNESBURG, South Africa (AFP) – Isang bagong coronavirus variant na may hindi pangkaraniwang taas ng mutation rate, at ang frequency ay dahan-dahang tumaas nitong mga nakalipas na buwan, ang minomonitor ng mga siyentista sa South Africa.
Ayon sa National Institute for Communicable Diseases (NICD) . . . “The variant, known as C.1.2., was flagged last week by the KwaZulu Natal Research and Innovation and Sequencing Platform in a preprint study that has yet to be peer reviewed.”
Bagama’t ang malaking bilang ng mga kasalukuyang kaso ng Covid-19 sa South Africa ay sanhi ng Delta variant na unang na-detect sa India, nakuha ng C.1.2. ang atensiyon ng mga siyentista dahil ang mutation nito ay halos dalawang ulit na mas mabilis kaysa sa naobserbahan sa iba pang global variants.
Gayunman, namamalaging mababa ang frequency nito at na-detect sa wala pang tatlong porsiyento ng genomes na isinailalim sa sequencing mula nang una itong madiskubre noong May, kahit na tumaas ito ng 2% mula sa 0.2% nitong Agosto.
Ayon sa NICD scientists . . . “The C.1.2. was only present at very low levels and that it was too early to predict how it might evolve.”
Sinabi naman ni NICD researcher Penny Moore . . . “At this stage, we do not have experimental data to confirm how it reacts in terms of sensitivity to antibodies.”
Nguni’t tiwala si Moore na ang mga bakunang ginagamit ngayon sa South Africa, ay patuloy na magbibigay proteksiyon sa mga mamamayan doon laban sa malubhang sakit at kamatayan.
Sa ngayon, ang C.1.2. ay na-detect na sa lahat ng siyam na mga lalawigan ng South Africa, maging sa iba pang panig ng mundo kabilang na ang China, Mauritius, New Zealand at Britanya.
Subalit ayon sa mga siyentista . . . “It is not frequent enough to qualify as a variant of interest or a variant of concern, such as the highly transmissible Delta and Beta variants, which emerge in South Africa late last year.”
Agence France-Presse