Bagong Covid outbreaks sanhi para isailalim sa lockdown ang milyun-milyong katao sa China
Milyun-milyong katao sa China ang isinailalim sa lockdown ngayong Miyerkoles, at napilitan ding magsara ang mga negosyo sa isang major tourist city, habang ang mga bagong cluster ay nagdulot ng pangamba na muling ipatupad ang blanket restrictions.
Higit 300 infections ang iniulat ng health authorities ngayong Miyerkoles, na ang mga cluster ay nadiskubre sa makasaysayang northern city ng Xi’an — tahanan ng Terracotta Army — at siya ring pinakamalaking siyudad sa Shanghai.
Ang mga bagong kaso at ang pagtugon ng mga opisyal dito, ay nagdulot ng malubhang pangamba na ang China ay maaaring muling isailalim sa uri ng restriksiyong ipinatupad sa unang bahagi ng taon, kung saan ilang linggong na-lockdown ang milyun-milyong katao dahil sa pagpapatupad ng hardline zero-Covid policy ng Beijing.
Sa Shanghai, ilang mga residente ang nagpost sa social media nitong Martes na nakatanggap na sila ng rasyon mula sa gobyerno na dati nang nangyari noong ma-lockdown sila ng isang buwan.
Ang mga opisyal ay naglunsad ng panibagong round ng mass testing sa higit kalahati ng mga distrito sa siyudad, matapos muling dumami ang mga kaso, kaya’t isinara na ang lahat ng karaoke bars nitong Miyerkoles makaraang i-ugnay ang ilang impeksiyon sa anim sa mga naturang lugar.
Ang Xi’an naman — isang makasaysayang lungsod na may 13 milyong populasyon at dumanas din ng isang buwang lockdown sa pagtatapos ng nakalipas na taon — ay isinailalim sa “temporary control measures” matapos makadiskubre ng 29 infections mula pa noong Sabado, na karamihan ay mula sa waste recycling workers.
Sa isang notice ay inihayag ng gobyerno na simula mamayang hatinggabi, ang public entertainment venues gaya ng pubs, internet cafes at karaoke bars ay isasara na.
Nakita sa images ng State media ang mga residente ng Xi’an na nakapila para sumailalim sa test, pasado hatinggabi ng Martes pero binigyang diin na ang siyudad ay hindi naman naka-lockdown.
Isinisisi ng mga opisyal ng siyudad ang outbreak sa BA.5.2 sublineage ng Omicron variant, na higit na nakahahawa at immune evasive.
Ayon kay Xi’an health official Ma Chaofeng . . . “The positive infections are all the BA.5.2 branch of the Omicron variant, and epidemiological tracing work is still in full swing.”
Ang mga bagong outbreak ay isa na namang hamon kay President Xi Jinping, na noong nakaraang linggo ay muling iginiit ang pagpapatupad ng zero Covid sa kabila ng malaking epekto nito sa ekonomiya.
Sa pagtaya ng Japanese bank Nomura, hindi bababa sa 114.8 milyong katao ang isinailalim sa full o partial lockdowns sa buong bansa hanggang nitong Lunes, isang malaking pagtaas mula sa 66.7 milyon noong nakaraang linggo.
Higit sa 1,000 infections ang napaulat simula nitong nakaraang linggo sa central Anhui province, kung saan dose-dosena sa mga ito ang nagtungo sa Jiangsu province na katabi ng Shanghai, na banta sa Yangtze Delta manufacturing region.
© Agence France-Presse