Bagong DDB Chairman Dionisio Santiago, inirekomenda ni Aguirre na ilipat sa BuCor
Irerekomenda ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kay Pangulong Duterte na ilipat sa Bureau of Corrections bilang hepe si bagong Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago.
Kasunod ito ng pagbibitiw ni BuCor Director General Benjamin delos Santos dahil sa isyu ng panunumbalik ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.
Ayon kay Aguirre, nais niya na si Santiago ang mamuno sa BuCor dahil naging hepe na ito ng ahensya dati at may kaalaman sa problema ng iligal na droga.
Ngayong araw naman isusumite ng DOJ sa Office of the President ang resignation letter ni delos Santos.
Nagpasalamat naman ang DOJ kay delos Santos sa walong buwan nitong serbisyo sa BuCor.
Ulat ni: Moira Encina