Bagong DepEd bureau, itinatag para mapagbuti ang ALS program

Department of Education Secretary Leonor Briones (Photo courtesy of DepEd)

Isang bagong kawanihan ang itinatag ng Department of Education (DepEd), na siyang magbabantay sa Alternative Learning System (ALS) program.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, na ang bagong tatag na kawanihan ang magpapalakas sa programa para sa out-of-school youth, at siyang magiging tanggapan na tututok sa pagpapatupad nito.

Ayon kay Briones . . . “This will strengthen our initiatives, programs, and policies for the out-of-school children in special cases, youth, and adults as we ensure their educational continuity for them to be able to develop basic and functional literacy, life skills, and pursue an equivalent pathway to complete basic education.”

Ang kawanihan na nasa ilalim ng Curriculum and Instruction strand, ang bubuo ng communication at coordination channels at implementation mechanisms sa central, regional at school division offices ng departamento para sa ALS program.

Ani Briones . . . “This shows DepEd’s strong commitment to provide education and help out-of-school children in special cases, youth, and adults in achieving their dreams for the betterment of their and their community’s future.”

Ang pagtatatag sa nasabing kawanihan ay alinsunod sa Republic Act No. 11510 o ang Alternative Learning System Act.

Una nang iniulat ng DepEd na ang ALS enrolment para sa school year 2021 to 2022 ay nasa 239,616 pa lamang hanggang noong November 18.

Ang enrolment data ay 359,749 o 60 percent na mas mababa kumpara sa 599,365 noong 2020.

Please follow and like us: