Bagong dormitoryo para sa frontliners sa Cebu City, itinatayo ng DPWH
Inaasahang sa susunod na buwan ay makukumpleto na ang itinatayong dormitoryo ng Department of Public Works and Highways para sa mga frontliner ng Cebu City.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang pasilidad ay mula sa mga container van na ikinonbert bilang dormitoryo at isolation facility.
16 bed capacity ito na lalagyan rin ng air-condition units, sofa, toilet and bath, laundry area at common kitchen na may kumpletong amenities para sa mga medical frontliners.
Umaaasa ang opisyal na hanggang sa Oktubre 25 ay matapos nila ito.
Madz Moratillo
Please follow and like us: