Bagong episode ng ‘Planet Of Apes’ nanguna sa N. America box office
Umakyat sa top spot ng N. America box office, ang action sci-fi film ng Twntieth Century na “Kingdom of the Planet of the Apes,” sa opening weekend nito, kung saan kumita ito ng tinatayang $56.5 million, isa sa pinakamalaking kita ng taon ayon sa industry watcher na Exhibitor Relations.
Sinabi ng analyst na si David Gross ng Franchise Entertainment Research, “This is an excellent opening for the 10th episode in an action series, the foreign numbers are excellent.”
Ang pelikula, na ang setting ay 300 taon pagkatapos ng “War for the Planet of the Apes,” ay nangyari sa panahong ang mundo ay ganap nang kontrolado ng “nagsasalitang mga unggoy.’
Tampok dito sina Owen Teague (sa papel ng batang unggoy na si Noa, at Freya Allan sa papel ng human na si Mae.
Bumagsak naman sa ikalawang puwesto ang action film ng Universal na “The Fall Guy,” na kumita na lamang ng $13.7 million makaraang manguna noong nakalipas na linggo. Bida rito si Ryan Gosling sa papel ng isang stuntman na nagtatrabaho sa isang pelikula na directorial debut ng kaniyang ex-girlfriend na ginampanan ni Emily Blunt.
Dalawang sunod na linggo namang nasa ikatlong puwesto ang tennis-based romance ng MGM na “Challengers,” na kumita ng $4.7 million para sa Friday-through-Sunday period. Ang Singer/actor na si Zendaya ang tampok sa pelikulang ito bilang isang tennis star-turned-coach na naipit sa isang “awkward love triangle.”
Ang pang-apat na puwesto ay napunta sa “Tarot,” isang horror film mula sa Sony at Screen Gems, na kumita ng $3.5 million. Sa ikalawang weekend nito, ang low-budget film ay nakakuha na ng 50 porsiyentong higit sa $8 milyon nitong gastos sa produksyon.
At pang-lima naman sa dalawang sunod na linggo ang “Godzilla x Kong: The New Empire,” ng Warner Bros., na kumita ng $2.5 million. Popular din sa abroad ang nasabing pelikula, na kumita na ng $367 million sa labas ng US at Canada.
Nasa top 6 hanggang 10 naman ang sumusunod na pelikula:
“Unsung Hero” ($2.3 million)
“Kung Fu Panda 4” ($2 million)
“Civil War” ($1.8 million)
“Star Wars: The Phantom Menace” ($1.5 million)
“Abigail” ($1.1 million)