Bagong ‘glass-like’ orchid species nadiskubre sa Japan
Isang bagong species ng orchid na may maselan at mala-salaming bulaklak ang natuklasan ng Japanese scientists.
Sa kabila ng presensya nito sa mga parke at hardin ng Japan, tumagal ng isang dekada ang mga mananaliksik sa Kobe University upang kumpirmahin na ang halaman – na tinatawag na “Spiranthes hachijoensis” – ay isang dating hindi kilalang species.
Ayon sa lead researcher na si Kenji Suetsugu na isang phytology professor, “It was a surprise to discover a new species of spiranthes, which is so common that you can see it in parks, gardens and among potted plants. Some of the samples were ‘from potted plants and gardens,’ including ones kept at a high school in Japan’s central Gifu region.”
Sinabi ng Kobe University, “From its curious look and dainty blooms that resemble glasswork, this flower has long been loved by people.”
Ang halaman, kasama ang mga bulaklak nito, ay nabanggit pa sa pinakamatandang antolohiya ng mga tula ng Japan, ang eighth-century “Manyoshu”.
Ang pagkakadiskubre sa bagong uri ng spiranthes, na minsan ay kilala sa tawag na “ladies’ tresses,” ay inanunsyo noong nakaraang linggo sa Journal of Plant Research. Binigyan ito ng pangalang “hachijoensis” dahil marami sa samples ay nakita sa Hachijojima island ng Tokyo.
© Agence France-Presse