Bagong hepe ng Bureau of Customs prayoridad ang pagpapabilis sa digitalization sa ahensya
Ang pagpapabilis sa digitalization sa ahensya ang isa sa pangunahing prayoridad ng bagong talagang hepe ng Bureau of Customs na si Bienvenido ‘Ben’ Rubio.
Ayon kay Rubio, tutukan din nya ang mga programa para maitaas ang moral ng mga empleyado ng BOC.
Tiniyak rin nya na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay sisiguruhin nyang malalampasan pa ng ahensya ang kanilang target collection.
Si Rubio na tubong Batac, Ilocos, Norte ay nagsimula si Rubio bilang ‘Special Agent 1’ sa BOC noong 2001 hanggang maitalagang Director III, Port Operations Service ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021.
Bilang intelligence officer, kinilala si Rubio sa kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling at napunta rin sa iba pang mataas na posisyon sa ahensya at naging hepe ng Intelligence Division, Manila International Container Port.
Bilang Port Operations Service director, binigyang kinilala si Rubio sa kanyang mga inisyatiba upang mapabilis ang mga transaksyon sa lahat ng 17 collection districts sa Aduana.
Isa siyang class valedictorian noong high school at nagtapos si Rubio ng AB- Political Science sa Ateneo de Manila University at ng kanyang doctorate sa San Beda College of Law.
Pinalitan niya si dating Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.
Madelyn Villar – Moratillo