Bagong impeachment charges vs chief justice at Ombudsman, tiniyak ni Pangulong Duterte
Sasampahan ng impeachment case ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ng pangulo na maghahain siya ng bagong impeachment complaint laban kay sereno bukod pa sa inihaing impeachment charges ni Atty. Larry Gadon.
Sa kaso aniya ni Morales, magiging basehan ng kanyang impeachment complaint ang selective justice at paggamit ng falsified documents sa ginagawang imbestigasyon sa kanyang bank accounts.
Malinaw ang pahayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na wala silang ibinibigay na dokumento sa ombudsman.
Inihayag pa ng pangulo na maging si Chief Justice Sereno ay sasampahan din ng impeachment complaint dahil sa isyu ng graft o katiwalian.