Bagong lava lake, makatutulong para makahinga ang isang bulkan sa DR Congo ayon sa mga eksperto
Apat na buwan makalipas ang major eruption na ikinamatay ng 32 katao, ang muling paglitaw ng isang lava lake sa crater ng Nyiragongo volcano sa eastern DR Congo ay magandang senyales ayon sa mga eksperto.
Nang pumutok ang Nyiragongo noong May 22-23 ay nagbuga ito ng lava na tumabon sa mga kabahayan, at ang pagdaloy ay huminto nang malapit na ito sa northern outskirts ng Goma, isang siyudad na nasa 600,000 ang naninirahan.
Ayon kay Celestin Kasereka Mahinda, scientific director ng Goma Volcanology Observatory . . . “The reappearance of the lava lake in Nyiragongo’s crater dates from September 18. It is not a phenomenon that presents an imminent risk of a new eruption, but rather a phenomenon that allows the volcano to breathe.”
Dagdag pa niya . . . “It’s a natural sign. The appearance of this lake of fire in the crater will minimise earthquakes in the volcanic area of Goma.”
Ang Nyiragongo na isang strato-volcano na halos 3,500 metro o 11,500 talampakan ang taas, ay nasa East African Rift tectonic devide.
Matapos pumutok, ang pagkawala ng lava sa crater ay nagdulot ng pangamba na namamalagi pa rin ito sa ilalim ng Goma.
Ayon kay Mahinda . . . “Today Nyiragongo found a way to breathe, which is a good sign. Fear would have persisted if the volcanic chimney remained blocked.”
Ang pinakamapaminsalang pagsabog ng Nyiragongo ay nangyari noong 1977, kung saan higit 600 katao ang namatay.