Bagong pangulo ng Honduras nagpositibo sa COVID-19
Nahawaan ng Covid-19 si Xiomara Castro, na nito lamang nakaraang buwan ay naging kauna-unahang babaeng pangulo ng Honduras.
Inanunsyo ng 62-anyos na pangulo na pumalit kay Juan Orlando Hernandez . . . “The result of the PCR on Saturday was negative, today’s is positive. According to the tests it is mild. With the blessing of the Creator of the universe, I continue to follow my Plan of Government to return to democratic and constitutional order.”
Si Castro ay bakunado na laban sa Covid-19, maging ang kaniyang asawa na si Manuel Zelaya, dating pangulo ng Honduras na napatalsik noong 2009.
Si Castro ay nagkaroon ng public appearances noong Martes at Miyerkoles ng nakalipas na linggo, sa basilica na nasa silangan ng Tegucigalpa.
Sa presidential palace naman ay pinanumpa niya sa tungkulin ang mga ministro at iba pang mga opisyal, at hinarap ang bumibisitang boksingero na si Teofimo Lopez, na isinilang sa New York subali’t taga Honduras ang mga magulang.
Higit 40,000 katao sa Honduras ang nagkaroon ng Covid-19 at higit 10,500 naman ang namatay dahil dito.