Bagong pelikula ni Scorsese at DiCaprio, magkakaroon ng premiere sa Cannes
Kinumpirma ng organisers, na magkakaroon ng world premiere sa Cannes Film Festival sa May 20, ang bagong pelikula ni Martin Scorsese na pagbibidahan ni Leonardo DiCaprio, na may titulong “Killers of the Flower Moon.”
Ang pelikula na kinatatampukan din ni Robert De Niro, ay sa ilalim ng produksiyon ng Apple, na sumang-ayon na ipalabas ito sa mga sinehan sa Oktubre bago i-stream sa kanilang platform.
Ito ang magiging unang pagkakataon na maglalabas ng bagong pelikula ang beteranong filmmaker sa naturang festival, mula nang manalo siya bilang best director sa Cannes noong 1986 para sa “After Hours.”
Napanalunan din ni Scorsese ang Palme d’Or prize noong 1976 para sa pelikulang “Taxi Driver” at siya rin ang nag-preside sa jury noong 1998.
Ayon sa organisers, “The Cannes Festival is overjoyed to welcome Martin Scorsese this May on the Croisette, to climb the steps of the Palais des Festivals.”
Ang pinapayagan lamang ng Cannes na lumaban para sa Palme d’Or ay ang mga pelikula na ipalalabas sa mga sinehan, sanhi upang hindi maisali ng Netflix ang kanilang mga pelikula.
Ang “Killers of the Flower Moon” ay ang totoong kuwento noong 1920s, tungkol sa sunod-sunod na pagpatay sa isang tribu ng Native Americans sa bahagi ng Estados Unidos na mayaman sa langis.
© Agence France-Presse