Bagong Quarantine Facility sa Agusan del Norte natapos na ng DPWH
Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang itinatayong isolation facility sa Nasipit, Agusan Del Norte.
Ayon kay DPWH Secretary and Isolation Czar Mark Villar, ang 50-bed isolation facility na ito ay naiturn over na rin sa lokal na pamahalaan ng Nasipit.
Sinabi pa ni Villar, malaking tulong ang bagong tayong quarantine facility na ito para masuportahan ang health care capacity ng nasipit at kalapit bayan nito.
Ang Nasipit Quarantine Facility ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na gusali para sa mga lalaki at babae.
Mayroon itong 16 na cr kung saan pinagbukod rin ang para sa mga babae at lalaki, at may hiwalay rin para sa mga may kapansanan.
Mayroon rin itong quarter para sa mga medical personnel at kitchen area.
Maliban sa bagong tayong quarantine facility na ito, may mga itinatayo rin umanong isolation facility ang DPWH sa Caraga Region.
Madz Moratillo