Bagong talagang CHR Chairman nagpahayag na magiging patas at independent sa mga kasong hahawakan
Tiniyak ng Commission on Human Rights na magiging patas at independent ito sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao mga pang- aabuso.
Si Attorney Richard Palpal-Latoc ay itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong Chairman ng CHR na magsisilbi sa susunod na pitong taon o hanggang 2029.
Ang pagtatalaga kay Palpal-Latoc ay ini-anunsyo ng Malakanyang ilang araw pagkalipas ng pagbibitiw ni Executive Secretary Vic Rodriguez.
Ayon kay Palpal – Latoc bago siya maitalaga bilang Chair ng CHR, siya ang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa ilalim ng Office of the President.
Naging Assistant city Prosecutor ito noong 2020, naitalaga rin sa Department of Social Welfare and Development at Graft Investigation and Prosecution Officer sa Office of the Ombudsman.
Naging trial lawyer rin ito at partner ng Rodriguez, Esquivel Palpal Latoc Law firm pero ayon sa opisyal hindi na siya konektado sa law firm ni Rodriguez.’
Si Palpal-latoc ay sumalang sa Senado para idepensa ang hinihinging budget ng CHR sa 2023 na aabot sa 1.646 billion pesos.
Ang CHR ay humihingi ng karagdagang pondo para sa kanilang personnel services at pondo para sa mga nagreretirong mga opisyal nito.
Meanne Corvera